 |
Si Dr. Bernie Dizon sa Tianong,
Quezon kasama ang mag asawang Ester at
Monching Flores (kanan) at si Dr. Ed Araral
sa ilalim ng puno ng Longkong lanzones na
hitik sa bunga. Double rootstock ito na
bahagyang tumaas ngunit napakaraming mamunga.
Ang karaniwang lanzones na galing sa buto ay
15 piye bago mamunga na inaabot ng 15-30
taon.
|
|
Ang Lanones (Lansium
domesticum Correa), ay isa sa mga paboritong
prutas natimg mga Pinoy. Matamis na uri ng prutas na
makikita natin noon sa Laguna, Bukidnon, Albay.
Quezon, Samar, Oriental Mindoro, Misamis Orienta, at
sa ilan pang mga probinsya sa Mindanao at Visayas.
Pero ngayon kahit saan dako ng Pilipinas ay nakikita
natin ang lanzones. Napapabunga ito ni Dr.
Bernie Dizon sa kahit saang panig ng ating bansa.
Double or tiple rootstock
na puno ng lanzones ang dapat nating itanim,
ayon kay Ka Bernie. Ito ay para mamunga agad at
mapagkakitaan. 'Yan ang bungad sa amin ni Ka Bernie.
Ang gamitin umano na pinakapuno o rootstock
ay ang jolo variety na lanzones.
Ito ay matibay sa phytophthora root rot at
sa bagyo.
Samanata , ang Longkong lanzones
ay mula naman sa Thailand. Mahal ang bunga nito lalo
na kung off season namunga. Umaabot ito ng
mula P600-P800/kilo. Ang longkong lanzones
ay kilala sa dami ng pamumunga nito na dikit-dikit..
Bukod pa rito, wala itong buto o napakadalang, hindi
mapait at walang dagta.
|