Varietal Selections
CHICO
CITRUS
DURIAN
GRAPES
JACKFRUIT
LANZONES
LYCHEE
LONGAN
MACOPA
MANGO
MANGOSTEEN
PUMMELO
RAMBUTAN

TIPS IN BUYING PLANTING MATERIALS

Basic Requirements
Soil Requirements
Distance of Planting
PROCEDURE IN PLANTING
INTERCROPPING
Converting Ricefield
Multiple Rootstock
Comparative Study
FERTILIZATION
APPLICATION GUIDE
SLOW RELEASE FERTILIZER
FRUITING
LARGE PLANTING MATERIALS
SHADING & WINDBREAK
Kaunlaran, Agricultura Magazine
TIPS NI KA BERNIE
Ni Abygail Donguines
  
Kaalaman tungkol sa pagtatanim, pagpapatubo at pagpapabunga ng fruit bearing trees - yan ang hatid na kaalaman sa atin ni Ka Bernie Dizon ang Pomologist o fruit expert mula sa Central Luzon State University (CLSU). Ilan nga sa mga kilalang produkto mula kay Ka Bernie Dizon ay ang mga seedling na imported at exotic na variety ng mangga, durian, lanzones, rambutan, davao pomelo, luz calamansi at kung anu-ano pa.

Kung nais malaman at subukan ang pagtatanim ng kakaibang mga fruit bearing trees, narito ang ilan sa mga dapat malaman.

Pagpupunla o Paghahanda ng Pagtatanim

Sa pagtatanim ay hindi dapat basta bumili ng punla at itatanim. Kaya madami ang nabigo at nalugi sa pagtatanim ng mga bungang kahoy dahil wala silang kaalaman sa tamang pagpupunla at pagpili ng magandang binhi.

Una, dapat alamin ang bibilhang nursery kung meron siyang mother plant na kukunan ng magandang pandugtong. Sa mga mandarayang nursery, lalagyan lang ng gatgat na letter "V" ang puno para akala mo dugtong kapag gumaling. Kapag ganito ang nangyari, ang chico na dapat mamumunga pagkaraan ng 2 taon ay aabutin ng 15 taon bago mamunga kung ito ay galing sa buto.

O kaya naman ay pinuputol nila ang katawan ng punla at idinugtong ang kaparehong katawan na bagamat dugtong at dinaya lang ay mamunga pa rin ng matagal. Kung ito ay lanzones 15-30 taon bago mamunga.

Para madaling lumaki at mamunga ng marami, ang itanim ay de kalidad na binhi.

Transplanting

Nagsisimula sa buto ang pangkaraniwang pagtatanim ng halaman, pero alam nyo ba na may dalawang pamamaraan sa pagtatanim ng halaman? Ito ang direct seeding o pagtatanim ng buto sa lupa kung saan mismo ito palalakihin; at ang transplanting o pagpupunla ng seedlings sa nursery bago ito ilipat sa lupa.

Pests and Diseases Management

Matapos naman maitanim ang punla, hindi maiiwasan ang mga peste at sakit na dumadapo sa mga pananim na halaman.

Pero madiing nirerekomenda ni Ka Bernie, ang pagtatanim ng imported na mga varieties ng mangga katulad ng Nam Doc Mai, Golden Queen at Chokanan. Ayon sa kanya, tolerant ang mga nasabing varieties sa mga sakit at peste. Kung sakali naman na madapuan ng sakit ay 5% lamang ang epekto nito sa puno at mga bunga kaya hindi rin gaanong nangangailangan ng pesticide.

Fertilization / Pagpapataba

Pagdating naman sa paglalagay ng abono o pataba na ilalagay sa fruit-bearaing trees, mas mainam gumamit ng kombinasyon ng organiko at kemikal na fertilizer. Ito ay upang masigurado na ma-a-achieve ang nutrient requirements na kinakailangan ng mga fruit-bearing trees. Magspray kada linggo ng Amino Plus.

Prosesong paglalagay ng fertilizer sa mangga.
1. Sa juvenile period o panahon na hindi pa namumunga ang halaman ay gamitin ito ng NP (phosphorous at nitrogen) (16-20-0 at 21-0-0)

2. Kung pabubungahin na ay gamitin naman ng complete fertilizer with microelements. (14-14-14 o 16-16-16)

3. Gamitin naman ng fertilizer na may nitrogen at potassium kung namumulaklak na ito. (17-0-17)

4. Kailangan din na lagyan ng dagdag na potassium dalawang buwan bago mahinog kung suha (pummelo) o durian naman ang tanim. (sa bawat 10 kilong bunga maglagay ng 1 kilo ng 17-0-17 at 0-0-60 para malalaki at matamis ang bunga.

Pruning

Isa rin sa mga farming practices na ginagawa ni Ka Bernie ay ang pruning o pagpuputol ng mga sanga sa puno. Ilan sa mga pinuputol o inaalis sa pruning ay ang (1) water sprout; (2) mga sanga at dahon na hindi naaarawan; (3) parte ng puno na may sakit.

Tinatanggal ang mga sanga na may dahon na hindi naaarawan dahil itinuturing itong liability. Ito ay dahil hindi na nakakapag-produce ng pagkain ang mga dahon na nakadikit dito. Kung kaya naman nakadaragdag pa sila sa mga parte ng halaman na nangangailangan ng pagkain. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagtutuloy sa pagbubunga ang ilang mga puno.

Sa kabilang banda, pinuputol na rin ang mga water sprouts na sanga dahil hindi ito nakakapag-produce ng bunga at puro sanga lang at kung mamunga man ay matagal.

Pati ang mga parte ng puno na may sakit ay pinuputol ang may sakit na sanga (clean cut) upang madaling maghilom at maiwasang kumalat ang sakit at hindi makahawa sa buong puno. Ang prosesong pagtatanggal ng sanga na may sakit mula sa pinagmulan nito ay tinatawag ding clean cutting.
AUTHOR
Practical Guide to Backyard and Orchard Faming
HUE RAMBUTAN
R162 RAMBUTAN

RONGREIN RAMBUTAN

CHOKANAN THAI MANGO
Home of Quality Imported and Exotic Fruit Trees
HomeOur Technology  |  Sales  |  Demo Centers
email: dizonexoticfruittrees@gmail.com
Copyright © 2025 Dizon Exotic Fruit Trees. All Rights Reserved  (since 2000)
by Dr. Bernardo "Ka Bernie" O. Dizon
Bernardo S. Dizon II   (+63) 09167110324