Varietal Selections
CHICO
CITRUS
DURIAN
GRAPES
JACKFRUIT
LANZONES
LYCHEE
LONGAN
MACOPA
MANGO
MANGOSTEEN
PUMMELO
RAMBUTAN

CLSU-DIZON

PROJECT

Kaunlaran, Agricultural Magazine

Exotic Fruits ni Dr. Bernie Dizon

Magallanes "Davao" PUMELLO (Citrus maxima)

ni Cheche Vega Masicat 

 
Ito ay itinuturing na pinakamalaking bunga sa hanay ng mga citrus at pinakamatibay sa sakit at peste. Ito rin ang pinaka kilalang uri ng pummelo sa Pilipinas na umaabot sa P80 - P150 kada kilo.

Maaaring maparami ang pummelo sa paraang sexually gamit ang buto nito o dili naman kaya ay asexually sa pamamagitan ng marcotting, budding, grafting at stem cutting. Ang calamandarin ang karaniwang ginagamit na rootstock sa pagdurugtong ng sanga sa pummelo dahil sa angkin nitong tibay ng sa lahat ng uri ng citrus. Si Ka Bernie Dizon mas minamabuti ang pagdoble o triple rootstock sa Magallanes pummelo upang mas masiguardo ang tagal ng buhay ng puno.  Makabubuti rin ang mag pruning 4-6 months matapos maitanim ang pummelo. Ginagawa ito upang magkaroon ng mas maraming sanga ang puno.

Sa simula ng pag-aabonon maglagay ng 16-20-0 (75%) at 21-0-0 (25%), isang kutsara sa 4 na butas na may layong isang dangkal sa puno. Kada 3 buwan ay magbutas palayo ngunit hindi lalayo ang butas sa sakop (canopy) ng ilalim ng puno. Doon maglagay ng dagdag na abono. Ang ga-binti na puno ay maaari ng pabungahin, maglagay ng 1 kilo ng 14-14-14 na mayroong mirco-elements. Pagkaraan ng isang buwan ay huwag patubigan o diligan ang puno hayaan itong ma-stress (water stress). Kapag nalanta na ay saka patubigan at panatilhin lagi na basa ang puno upang mamulaklak ng marami.

Kapag lumabas na ang bulaklak ay maglagay ng 17-0-17. Pagkaraan ng 3 buwan o gasuntok na bunga ay muling maglagay ng 17-0-17 (50%) at 0-0-60 (50%), ito ay pampalaki at pampatamis ng bunga. Sa bawat 10 kilo ng bunga maglagay ng 1 kilo ng 17-0-17 at 0-0-60. Importante na maglagay ng abono dahil kapag kulang sa potassium ang lupa ang bunga ay walang katas at hindi matamis.

Sa pangangalaga naman sa bunga mainam na suputan ang mga ito upang hindi masria ng mga peste. Mula sa pagsulpot ng buko ng pummelo ay bumilang lamang ng 140-160 araw at maaari ninyo nang anihin ang bunga nito. Para kay Ka Bernie, dapat pagtuunan ng pansin ang pagtatanim nito sa mga bakuran at plantasyon upang matugunan ang kakulangan nito sa mercado.
 
AUTHOR
Practical Guide to Backyard and Orchard Faming
CAPULONG FARM

NORIEL FARM

Home of Quality Imported and Exotic Fruit Trees
HomeOur Technology  |  Sales  |  Demo Centers
email: dizonexoticfruittrees@gmail.com
Copyright © 2025 Dizon Exotic Fruit Trees. All Rights Reserved  (since 2000)
by Dr. Bernardo "Ka Bernie" O. Dizon
Bernardo S. Dizon II  (+63) 09167110324