Varietal Selections
CHICO
CITRUS
DURIAN
GRAPES
JACKFRUIT
LANZONES
LYCHEE
LONGAN
MACOPA
MANGO
MANGOSTEEN
PUMMELO
RAMBUTAN
Kaunlaran Agricultural Magazine

TOP WORKING

ni Dr. Bernie Dizon

  
 
    Dahil sa climate change, mahirap ng pabungahin ang manggang kalabaw. Ang pag-ambon o bahagyang ulan kahit tag-araw ang magiging dahilan ng pag-atake ng sakit na anthracnose sa bulaklak at buko ng halamang mangga. Bukod pa rito, kinakaharap din ng mga mango growers ang pagdami ng peste katulad ng ngusong kabayo (hoppers) at kurikong (capsid bug) Dahil sa mga problemang ito, halos hindi na kumikita ang mga mango growers.

PAANO GINAGAWA ANG TOPWORKING?

Ang punong mangga ay pinababata sa pamamagitan ng pagpuputol sa bahaging itaas nito. Kung ang edad ng mangga ay 10-15 taon maaaring magputol sa itaas ng 10 piye at lahat ng sanga na gabraso man o mas malaki o maliit ay dapat putulin para magkaroon ng bagong supang o suloy (shoots) na kasinglaki ng lapis. Ito ang dudugtungan ng mga imported na binhi ng Chokanan, Golden Queen, Peach Mango, Nam Doc Mai pagkaraan ng 3 buwan o higit pa.

Gumamit ng lagare (saw) para walang bakbak (clean cut) ang pinutol na sanga at mas madali maghilom. Siguraduhing slanting o palihis ang putol para hindi tigilan ng tubig ulan. Maaari ring pintahan ng latex o anumang pinta para maghilom ang sugat.

Pagkaraan ng tatlong buwan o higit pa mula sa pagputol magkakaroon na ng mga suloy na kasinglaki ng lapis. Pwede na itong dugtungan ng sanga (scion) ng mga imported na mangga. Ang agwat ng dugtong ng mga sanga ay isang piye. Kung malaki ang mapuputol na sanga, pwedeng pagsalubungin ang 2 suloy at idugtong sa isang scion na katulad ng double rootstock.

Namangha ang mga nakakita sa aking topworked na Indian mango na namumunga. Unang namumunga ang sanga ng Chokanan na naging manggang kalabaw daw ang Indian mango, ayon sa nakakita. Sumunod na namunga ang idinugtong na sanga ng Peach Mango na bilog at namunga ng isang kilo. Ang sanga naman ng Golden Queen ay isang kilo at kalahati naman ang ibinunga. Aba eh naghimala daw ang puno., Salamat sa topworking!

 

 
CHOKANAN MANGO

JUSTICE ROMEO T. CAPULONG

Atty. Vic Villegas 
Victoria, Tarlac

DEMO FARM

 QUEZON CITY

DEMO FARM

 QUEZON CITY

TOP-WORKED MANGO

 QUEZON CITY

 
 
       
Home of Quality Imported and Exotic Fruit Trees
HomeOur Technology  |  Sales  |  Demo Centers
email: dizonexoticfruittrees@gmail.com
Copyright © 2025 Dizon Exotic Fruit Trees. All Rights Reserved
by Dr. Bernardo "Ka Bernie" O. Dizon
Bernardo S. Dizon II (Webmaster)