 |
Hitik na hitik sa bunga ang Nam Doc Mai ni Ka
Bernie Dizon.
Ang mga scion ng Nam Doc Mai ay mula sa kaibigan ni
Dr. Aguinaldo na si Dr. Vinai Klajarine Chantaburi,
Thailand na pinarami naman ni Ka Bernie Dizon sa
CLSU
|
|
Tinguriang " table mango" ang Nam
Doc Mai at paboritong mangga ng namayapang hari ng Thailand.
Sinasabi rin na mainam itong itanim dahil sa tuloy-tuloy ito
kung mamunga lalo na kung panahon ng tag-ulan.
Tolerant at matibay sa mga peste na sumasalakay sa mga
mangga kung meron man daw ay paisa isa. Hindi rin nasisira
ng ulan ang mga bulaklak nito. Umaabot sa P200.00 ang halaga
per kilo ng bunga nito sa mga pamilihan. Sa farm ni Dr.
Teresito Aguinaldo sa Guimba, Nueva Ecija ay tatlong beses
kung mamunga ang Nam Doc Mai sa loob ng isang taon.
Bagaman may kaunting asim ang hilaw na
Nam Doc Mai (mild sourness), napakatamis naman nito
kapag hinog.
|