Varietal Selections |
|
 |
 |
|
Kaunlaran, Agricultural Magazine |
Exotic Fruits ni
Dr. Bernie Dizon |
by Cheche
Vega Masicat |
Golden Queen Mango

|
Higit na malaki kaysa Chokanan ang Golden Queen mango na
umaabot sa 1 kilo at kalahati ang bunga. Bagama't hindi
kasing sipag bumunga na gaya ng chokanan maaari namang mag
spray ng calcium nitrate. Kapag namulaklak
ay hayaan lamang at magtutuluy-tuloy na ang pamumunga nito.
Panahon din ng tag-ulan kung mamunga.
Sinasabing maiksi ang physiological maturity ng
dahon ng Golden queen at iba pang imported na
mangga. Halimbawa na ang kinalabaw na mangga mula sa
pagputat (young shoot) ay aabot ng 6-7 months
bago maaring mamunga. Ang mga imported varieties na
gaya ng Golden queen mula young shoot isang buwan
lang ang hihintayin at maari ng mamunga.
Sa karanasan ni Ka Bernie noong nakaraang Abril sa Central
Luzon State University (CLSU) nagputat ang ga binti na puno
ng kanyang Golden Queen at sa pamamagitan ng paglalagay ng 2
kilo ng complete fertilizer
ay namulaklak agad ito
ng Mayo kahit walang ibang iniispray. Napakarami ng ibinunga
ng kanyang Golden Queen Chokanan at Nam Doc Mai.
|
|
|