Varietal Selections |
|
 |
 |
|
Kaunlaran, Agricultural Magazine |
Exotic Fruits ni Dr. Bernie Dizon |
by Cheche
Vega Masicat |
UBAS

Sinasabing ang ubas ang pinakamadling pabungahin sa nais na
petsang mag-ani. Ang problema lamang sa ubas ay ang panahon
ng tag-ulan kung saan inaatake ng sakit ng mildew
at anthracnose. Kung magkaganon ay mag spray
ng fungicide upang hindi tuluyan atakihin ng
sakit ang dahon at bunga ng ubas. Upang makapagpabunga sa
panahon ng tag-ulan makabubuti na maglalagay ng
transparent na plastic na may 3 piye sa
ibabaw ng baging ng ubas.
Ang berdeng ubas na tinatawag na "miracle grape" ay
madaling lumaki at mamunga. Maaring itanim ang ubas gamit
ang buto o dili naman kaya ay sa pamamagitan ng rooted
cutting (pinutol na sanga mula sa namumungang puno).
Bubunga ito sa loob ng 16 buwan pagkatapos itanim sa lupa.
Maaari rin naman na sa paraang paugat (marcotting)
na sa loob ng 16 linggo pagkatanim sa lupa ay maaari ng
bumunga. Mag spray ng 50 ppm gibberelin
kapag naka full bloom na ang bulaklak ng ubas at
siguardong magiging seedless ang bunga nito.
 |
|
|
|
|