Varietal Selections
CHICO
CITRUS
DURIAN
GRAPES
JACKFRUIT
LANZONES
LYCHEE
LONGAN
MACOPA
MANGO
MANGOSTEEN
PUMMELO
RAMBUTAN

DURIAN

QUEZON CITY

Kaunlaran, Agricultural Magazine

Exotic Fruits ni Dr. Bernie Dizon

by Cheche Vega Masicat

  
DURIAN "Hari ng mga Prutas"
Bagamat may kakaibang amoy itinuturing itong hari ng mga prutas.

Sa nursery ni Ka Bernie sa Wildlife at CLSU iba't ibang durian ang kanyang itinanim. Mayroong galing ng Indonesia, mayroong native
galing Davao, Thailand (Mon Thong) at D24 na galing Malaysia. "Kung hindi sanay kumain ng durian ang iminumungkahing kainin ay ang Mon Thong. Sa mga bihasa na sa pagkain ng durian nariyan ang native at D24 na sigurado magugustuhan ninyo" ani Ka Bernie.

Sa native na durian 20% ang edible parts, kung isang kilo ang bunga ng durian ibig sabihin 200 grams lang ang laman na makakain. Habang ang Thailand variety mga kalahati ang edible parts. Ang durian Chanee ay galing din ng Thailand na tumitimbang ng 5 kilo. Ang sinasabi naman na Mon Thong ay yung Arancillo at Puyat ng Davao ang karaniwan ay nasa 1-2 kilo ang isang piraso.

Magkaiba ang panahon ng pamumuha ng durian sa Pilipinas. July hanggang Ocboer sa Mindanao habang sa Luzon naman ay mula March hanggang Hunyo. Sa panahon na ito ay off season ang durian sa Mindanao kaya mas mataas ang presyo ng durian na umaabot sa P300.00 ang kilo. Samantalang P90-100 lamang ang presyon kung panahon ng durian sa Davao.

Ang paniki ang isa sa nakatutulong magpollinate sa bulalklak ng durian. Kung walang paniki sa inyong lugar maaaring gumamit ng artificial pollination. Kumuha ng brush ng pinta na malapad, lagyan ng tangkay at pagsapit ng 7PM - 8PM iwalis ang pollen sa babaeng bulaklak ng durian. Sa mga oras na yan receptive ang female parts at male parts ng durian flowers. "Pag umaga kasi hindi nagri-release ng pollen yung male parts at hindi rin open ang stigma para tanggapin ang pollen, paliwanag ni Ka Bernie.

Likas ng makapal mamulaklak ang durian ngunit 5% lang ang nagtutuloy na bulaklak. Gaya ng ibang puno itong nagbabawas ng bulaklak. At dahil madaling atakihin ng phytophthora root rot ang durian makabubuti na gawing double o multiple rootstock. Itanim ito ng naka mound o nakataas ng 1 1/2 piye ang puno. Maglagayrin ng kanal upang hindi tigilan ng tubig.

Isang bese lamang pag-anihan ang durian sa loob ng isang taon pero si Ka Bernie dahil naka double at triple rootstock ang mga tanin na durian nagagawa niyang magharvest ng dalawa hanggang tatlong beses sa Wildlife.

Isa sa mga nagiging problema ni Ka Bernie sa kanyang nursery sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife ay ang mga dumadaming squirrel na nanginginain ng kanyang mga prutas. Sa kanyang tantya ay nasa limangpung squirrel na ang naninirahan doon. Sa larawan ay ipinakikita ni Ka Bernie ang isa lamang sa mga prutas ng durian na kinain ng mga squirrel.
AUTHOR
Practical Guide to Backyard and Orchard Faming
Home of Quality Imported and Exotic Fruit Trees
HomeOur Technology  |  Sales  |  Demo Centers
email: dizonexoticfruittrees@gmail.com
Copyright © 2025 Dizon Exotic Fruit Trees. All Rights Reserved
by Dr. Bernardo "Ka Bernie" O. Dizon
Bernardo S. Dizon II   (+63) 09167110324